Archive for October, 2008
29 ~ Oktubre na pala
(Pasensiya na, Taglish ang post na ito. Madami lang akong naiisip.)
Yun, Oktubre na pala. Nagulat ako. At di lang yun, ikatlong araw na ng ika-sampung buwan ng taon.
Sabi nga ng isa kong kaibigan, ang dami ko daw issues. Kahit nga ako, sa sobrang hina ng utak ko pagdating sa Math, hindi ko kayang bilangin. Alam ko kung ano ang 2, at 2+2=4! Kailangan ko nga palang karirin ang algebra ko. Isa na dito ang nalalapit kong pagpapalit-edad. Yak. Tatanda na naman ako. Ayoko nga.
Nung bata ako, motto ko ang “It’s better to receive than to give.”. Ganun kasaya ang buhay, pero ngayon, nawala na ang mga nagbibigay ng regalo, minsan talagang nagtitipid pa ako para makapag-ipon at mabili ang mga gusto ko. Lagi kong dahilan yung sa Economics, ang walang-kamatayang “OPPORTUNITY COST”. Mahirap na pag nabili ng iba, mahirap na pag naubusan ka, mahirap na pag pakiramdam mo na-miss mo ang 1/4 ng buhay mo dahil lang sa hindi ka nagkaroon ng bagay na yun.
Hirap nga naman ng buhay dito sa ‘Pinas. Ako lang ba ang ganito kalalim mag-isip na pati problema ng mga pusa sa pang-araw-araw nilang pagkain iniisip ko pa? Nako-conscious din ba ang aso pag jumebbs siya sa gitna ng daan? Overboard na talaga akong mag-isip, at gusto ko ng kumonsulta sa isang psychologist o psychiatrist tungkol sa kung ano mang problema ang meron ako, o posible ngang sayad na sa utak.
Balik ulit sa pagpapalit-edad. HIndi ko matanggap ang katotohanang napakarami nang mas bata sa akin ang mas may maraming na-aacomplish na sa buhay. Karamihan sa kanila, natupad na ang mga pangarap, nakabili na ng magagarang damit at sapatos, nakapagpatayo na ng bahay at nagkaroon na ng kotse, at yung iba bakla na, pero ako, eto, dugyutin pa rin, at kapag sinusuwerte, napapagkamalang foreigner. Hanggang dun lang, at ni hindi ko pa nagagamit ang kung ano mang kakayahang maipagmamalaki ko. In short, isa ako sa mga pinakatalong tao sa mundong ibabaw.
Sa ngayon, parang isang mabisang distraction ang detachment para sa akin. Pag solusyon kasi nakakabago ng buhay, mahirap ng bumalik sa dati. Sa distraction, marami ka pang alternatives para makabalik at baguhin yung kung ano mang pagkakamali ang nagawa mo o di mo nagustuhan. Ang katotohanan kasi ay unti-unting nagiging alaala, minsan nakakabuwisit at madalas, nakakaapekto sa confidence. Nito-nito lang, medyo dumadalas ang pakikipag-bonding ko sa mga kaibigan ko, sa mga pinsan ko, sa mga tita ko, pero naramadaman ko na hindi ko maintindihan kung ano kailangan ko kung bakit sumasama ako sa kanila. Para ba sa ano? Para ba maramdaman kong may nangangailangan sa akin? Para ba maramdaman kong mahalaga ako?
Hindi yata. Kaya ngayon ay isa akong konsyumer na atat bumili sa pinakabagong produkto na makakapagdulot ng bahagyang pagbabago at kaliwanagan- ang DISTRACTION. Si kaibigang QLC (quarter life crisis), mukhang ayaw pa rin mawalay sa akin, kaya hayan, medyo napakaraming bagay ang gumugulo sa akin. Natatakot akong dumating yung time na kahit pa alam kong competitive ako sa utakan, mabuburo lang ako sa bahay at aasa sa padala ng mga magulang ko.
Nakakalungkot, pero mukhang hindi ito malabong mangyari.
Sa ngayon, parang ayaw ko munang kausapin ang mga magulang ko. Di ko alam, pero nung sinabi ko sa kaibigan kong si Rovie na umiiwas akong kausapin sila, nakahugot ako ng dahilan. Marahil ay wala naman akong magandang ikukuwento. Naiinis ako sa sarili ko pag napakadaming “DEAD AIR” pag kausap ko sila, dahil minsan, pinipilit kong alalahanin yung mga magagandang nangyayari….yung mga magaganda lang. Ni hindi ko man lang naikwento sa kanila yung pagkakabangga ko sa kawayan, yung pagkakadulas ko at kung ano-ano pa. Puro positive journalism lang. Iniiwasan ko rin na matanong nila ako sa mga plano ko ngayong malapit na naman akong tubuan ng bagong sungay. Nahihiya na ako sa kanila kasi 2nd to the highest lang naman ako sa midterm namin sa French, kasi ako lang ang fluent sa English sa klase namin, kasi napakarami kong kakaibang ideas pero sa ganun, kahit kailan, hindi ko nakamit ang mga pangarap ko, na pangarap din nila. Epic failure talaga ang anak nila. Ayoko ng maniwala sa mga commercial na kunwari kahit pa natagusan yung anak habang kumakanta sa choir eh proud pa rin ang mudraks niya sa kanya (yung sa TIDE).
Napakanipis nga ng chance na magtagumpay ako sa anumang karerang papasukin ko. Kasing-nipis ng overworked na katawan ni Kota Yabu. Napakarami ko nang bagay na napagtanto gaya ng buhay, pangarap, etc. dahil lang sa kababasa ko ng libro. Ewan.
Feeling ko ako si Sybil, may Dissociative Identity Disorder. Minsan, I’m one of the many, minsan, masaya akong nag-iisa ako. Ganun.
Ang saya ng buhay no?
Makulay, parang yung mga nakikita kong nagsusuot ng matitingkad na colored pants dito. Tsaka yung mga scarf na sinusuot ng mga ewan dito. Scarf na una kong nakitang suot ni Ryo Nishikido na mukhang okay pa rin kahit tinatagasan na ng pawis habang kumakanta. At take note, sa kanya lang bagay yun, partida pa dahil dugyot na siya sa lagay na yun.
Bumili nga pala ako ng dalawang de-lata kanina sa KOOP MART. Napansin ko kasing wala na pala kaming ulam ni hadji pag nagkataon. Ayoko namang inisin pa ang Nanay sa itsura ko kapag nalalaman niyang napipilitan lang akong kumain.
In fairness naman, ayos ang mood niya pag-uwi ko kanina kasi andun si Ka Nandy.
Hay buhay. OK rin palang sakyan ang mood swings ng Nanay. (:
Dalawang gabi na akong umiiyak kaiisip ng gagawin ko sa birthday ko. Makapagkulong kaya sa kuwarto o kaya umalis na lang ng bigla at umuwi ng gabi?
Bahala na. Birthday lang naman yun. Birthday lang.
Sige, tatahimik na ako.